“Hello…gurl, male-late ako ng uwi, gorah muna aketch ng Mall of Emirates……diretso na ako mula dito sa site. Que sehodang naka-safety shoes aketch!”
“Tamang-tama ‘te, sale sa MoE, daming mga damit at sapatos na mura………shopping ka?”
“Gurl hindi, mag-aalis lang aketch ng talangka sa utak, kakabwisit kasi ditey sa work, daming bakulaw!”
“O ano gurl, keri mong gumorah?”
“Sige ‘te, kita na lang tayo dun.”
Click.
Close ang telefon.
Patlang…………
Eksakto 5:30 ng hapon, hmmmm…………..uber nga sa sale dito sa MoE…………..pwede! Tamang-tama, have pa ng laman ang aketch na credit cards!
Anetch kaya ang ma-buyla? Esep, esep while lakad-lakad at patingin-tingin…….
Aha! Pabango!!
Tamaaaaaaaa………..!!!
Pabango!!
Go!
“Excuse me.”
“Yes?”
“How much is the 100 mL Aqua de Gio by Giorgio Armani?”
“We have a special promo, I suggest that you buy this gift set which contains the same 100 mL Giorgio and an aftershave lotion and shower gel for the same price.”
Hmmmmm………pwede!
“Ok, I’ll buy one.”
“Is there anything you want, Sir?”
“Hmmmmm………”
“Ladies scent Sir, for your Habibi?”
Nyeta, wa ba sa pagka-detek ang letch na sales girl na itey? Na-isip ko.
Eh, alukin ba naman aketch kung tipelya kong bumayla ng ladies scent? Da vha naman at kumuda pa na para sa aketch na petchay (habibi)……….kakalurky?!
Ibang lahi kasi ang hitad at wiz niya knowing na mas maganda ang tabas ng hips ko sa hips niya!
“Thanks, but I’m ok with this set you suggested me.”
“Ok, please follow me Sir to the counter.”
Pero teka………parang kinakate pa rin akong bumayla………ano pa kaya? Teka nga, ma-try nga ang Versace………….hmmm……pwede……! Pasok!!
“Ah, excuse me Miss, I think I need to add one more scent.”
“Oh, that’ll be great! Which one you want to add Sir?”
“Can I see that blue boxed Versace scent?”
Gora ang hitad at may I getlak ng nasabing pabango.
“Here Sir, nice choice of scent!” pahabol pa nito.
Hmmm………….mabango nga! In fierness, like ko ang amoy niya at hindi matapang, tamang-tamang pang beki of all seasonings!
“Ok, add this one please.”
“Is that all, Sir?”
Aba at gusto pa yatang sairin ang laman ng aking credit cards?
“That’s all for now need to buy some new pair of dresses”, kuda ko sa petchay na Syriana.
At habang kinakaskas ng kaherang Pinay ang aking credit card bilang bayad sa aking binayla na pabango,
“Haaaaaaaa………….love to love you, baby…!”
“Haaaaaaaa………….love to love you, baby…!”
“Tonight, I’ll be your naughty girl………!”
Aaay, ang cell fone ketch, mega ringing…………may tumatawag,
“Hello”
“Te, nasan ka na?”
“Gurl, ditey aketch sa may Debenhams at bumayla aketch ng pabango!”
“Ok ‘te, punta na ako diyan.”
Ang sisteraka kong si Reah at kinakati rin yatang mag-shopping ang tumawag.
Antay pa aketch ng konti at mega sa busy yata ang connection kaya medyo natagalan kumonek ang transaction ko sa kanila.
At ng ma-sight ketch na umangat na ang resibo, tanda na pasok sa banga ang akiz na binayla, ini-abot na sa aketch ang resibo na dapat pirmahan.
Ok, keri lagpas lang ng konti sa $200 dollars ang 2 pabango. Kering-keri pa sa mga damitan.
“Aba ‘te, bumayla ka talaga?”
“Oo gurl, pang-kunswelo ko sa sarili ko!”
“Bongga ka talaga ma-inis ‘te, shopping ang pang-alis!”
At sabay na kaming nagka-tawanan. Eh papatalo ba ang okti ko?
Syem wit!
Kaya mega ask din ng gusto niyang perfumes, take note, perfumes……..plural!! At talagang bumayla din ang hitad! Sabagay, minsan lang naman kami mag-shopping sa loob ng isang lingo eh.
At parang di pa kami kuntento sa pabango. Diretso kami sa bilihan ng mga damit. Pili ditey, pili doon ang aming pinag-gagagawa. Hala, halukay pa, pili ng kulay, pili ng size, pili lang ng pili. Ikot ditey, ikot doon, walang kapaguran sa pagpili. Mga beki talaga.
“Te bagay sa iyo ito oh”, kuda ng beki.
Aba, at tila yata sinasamahan pa akong pumili talaga bukod sa sarili niyang choice of clothes?! O eh siya, di sige, getlakin na at baka getlakin pa ng iba!
“Halika na girl at buyla tayey ng para sa lafang”, aya ko ng ma-sight ketch na marami na aketch na nakuha at napili.
“Di vha kaka-grocery mo lang last week?” usisa ng hitad.
“Wala lang, narito na rin lang tayo eh, sayang naman ang nyomasay”, sagot ko.
At muli, inilabas ang makamandag na credit card para ipang-nyoyad sa mga binaylamos ng mga beking na-inis lang.
Hmmmm…………..alin kayang credit card ko ang gagamitin ko?
Ito kayang silver? Dark blue? Ito kayang grey? Ito kayang red? Ito kayang green? O, ito kayang combination ng silver and blue?
Hay naku, kahit alin……..keri lang.
At ang okti? May sarili rin siyang kulay ng mga credit cards, promise! Yun nga lang di ko knows kung anetch ang ginetlak niyang kulay para ipambayad sa mga binayla niya?
Natapos kami at naka-uwi ng past 10:00 pm na at bitbit ang sandamakmak na binaylamos sa MoE.
Saraaaaappppp…………………!! Feeling richie alagao…!!!
Haaaaaayyyyyy…………………ala-ala ng kahapong lumipas!!
Ganyan kami, dati.
Eto na ang katotohanan. Ang recession!
Sino ba namang mag-aakalang magkakaganito?
Dati, flamboyant ang shopping karir ng mga beki. Shopping ditey at shopping doon, walang katamaang pagsa-shoping. Wag ma-inis, wag ma-inip at wag di siputin ng bowa, shopping lang katapat. Ika nga eh, pang libang sa sarili.
Ang madalas na dating pagba-bar hopping, biglang natigil. Ang dating mga pag-ramfa sa kung saan-saan, ngayon di halos makalabas ng kuwarto sa dami ng atraso sa bangko!
Biglang-bigla ang mga kaganapan. Walang nakapag-handa. Lahat ay nagulat. Loss ang mga inaasahang biyayang dulot ng kumpanyang pinaglilingkuran. Ang dating saganang life style, biglang nawala?
Kelan nga ba huling nag-shopping ang beki of all seasonings ng uber? Shugaliti na. Wiz ko na knowing kung kelan pa ang huli? Isang taon na?!
Witet na ang mga pabangong nabayla, loss na! Ang mga damit? Loss na ang dating kulay na pagkaganda dahil sa pa-ulit-ulit na pag-gamit at paglalaba. Ni hindi makabayla ng kahit na bagong underwear. Pati ang lafang, kung anetch na lang ang pasok sa budget, dun na lang, na pilit pinagkakasya ang kakarampot na natira sa sweldo para sa lafang ng isang buwan.
Pag-sweldo? Ubos lahat sa kakabayad ng mabalasik na credit cards! At aminin ko man sa hindi, bangko na lang ang ipinagta-trabaho ko. Wala ng natitira para sa sarili ko.
Oo, ginamit ko rin naman kasi. Kaskas panalo rin kasi. Ako rin pala talo.
Ano na ngayon?
Eto na ang resesyon. Eto na ang katotohanan. Eto na ang totoong kaganapan. Ano mang sisi ang gawin, wala na, nagawa na.
Asa ka na lang na sana, umigi na ang lahat. Sa lalong madaling panahon.
Para ano? Para bumalilk ka na naman sa dating walang patumanggang paglustay ng pera mo?
O eh, ano na ngayon?
Ano man ang sabihin ko alam kong ako rin ang may kasalanan. Ako rin ang may pagkakamali.
Pero isa lang ang alam ko. Nakatulong din ako kahit papaano. Di ko sinolo pera ko. Di ako nagdamot kahit kanino.
At kahit nahihirapan ako, kakayanin ko ito dahil ako ang may gawa nito.
Ang importante, naging masaya ako sa mga panahong pinakinabangan ko ang credit cards ko.
Makakabangon din ako.
“Maligayang Pasko…………………para sa sarili ko!”















