Election time na naman…!!
Asa na naman ang buong sambayanan para sa isang “pagbabago”. Maraming umaasa sa iilan lamang nagpapahayag ng pag-asa………sa kawalan…!!
Pang ilan na bang eleksiyon ang dumaan? At ilan pang eleksiyon ang dadaan?
Meron ba tayong napansin na mga pagbabago tungo sa pag-unlad ng Bayang Sinilangan?
Ilang pangako ba ang natupad ng mga matatamis na dilang nagpahayag na gagawin ang lahat upang maisa-ayos ang kalagayan ng bayan?
O baka, gagawin ang lahat upang maisa-ayos ang kalagayan ng sariling kaban mula sa kaban ng Bayan?! Gravhaaaa……!!!
Maraming nagdudunong-dunungan, marami ang nagpapahayag ng sariling kakayahan upang sa huli ay muli lamang mahusagahang, yaman ng bayan ang inaasam?
Wala akong sapat na kakayahan upang husgahan ang sino man, pero may sapat akong kakayahan upang piliin kung dapat pa ba akong magpaloko sa mga bulaan ng lipunan.
Ang sabi, “Vote, to exercise your right to choose!”
Para sa akin, “Vote, to exercise their (politicians) rights to dupe…!”
It’s your choice to take, not mine.
Yun lang.