1. WORKING ABROAD / OUT OF TOWN:
- Itey, pag ganitetch ang darius rason ng isang Alumni para wiz maka-gorah ng reunion eh medyo katanggap-tanggap. Veket kamo? Kasi nga naman kung uber mega layo ng lufalof kung saan naro-roon ang Alumni eh ganun din ka-Mahalia Jackson ang nyomasay, noh….!! Pero siguro kung nasabihan ng mega early ang isang Alumni tungkol sa gagawing reunion, eh baka nakapag-adjust ito at nakagpag-laan ng andalusia para sa pag-ramfa sa reunion.
2. BEHIND PRISON BARS.
- Kabog naman pag ganitey ang sitwasyon. Wala na talagang paraan para sa isang Alumni na makadalo pa sa reunion. Maliban na lang kung may I escape from Alcatraz siya. Pero juice ko pong pineapple, wiz na lang siguro noh. Waiting galore na lang na mabigyan ng parole para sa maayos na paglaya at good luck na lang sa susunod na reunion….!
3. NO EXTRA CASH TO PAY THE ENTRANCE TICKET/MEMBERSHIP FEE.
- Itey?! Hmmmm………pwede rin. Siguro kung uber sa Mahalia Jackson ang entrance ticket or membership fee, malamang nga na baka waley extra anda. Lalo na kung somewhere in The Fort or sa Araneta Coliseum o di naman kaya eh sa isang super duper mega class na hotel ang venue ng reunion noh…!! Susme, baka nga only the can afford lang ang gumorah o baka wala pa?! Pano kung sa school naman gaganapin ang reunion? Siguro naman pinakamalaki na ang 1 kiyaw na magagastos, no extra cash pa rin vha? Aba’y, hagilapin mo na ang mga mapeperang classmates o batch mates para magpalibre ka na lang sa mga ito kesa sa ma-miss mo ang reunion noh……!
4. HAS OTHER SIGNIFICANT EVENT TO ATTEND TO.
- Naku pag ganitey, daig talaga ng maagap ang masipag…!! Kaya dafat habang maaga pa, mega announce na sa mga Alumni na have nga ng reunion. Para wit na sila sa pagka-tanggap ng ibang ramfa sa araw na itinakda para sa reunion. Now, siguro kung yung “other significant event” eh yung tipong araw ng iyong panunumfa bilang presidente ng bansa. O di kaya eh nagluluksa sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay, yan pwede. Pero kung ang iyong “other significant event” eh yung tipong di mo keri na hindi masubaybayan ang iyong fav na telenovela, o di kaya eh meron kayong siesta ng mga amiga mo sa mahjong, tong-its o pusoy….o di naman kaya eh may date kayo ng boylet o girlet mo…..fwede vha, ire-schedule mo sila..!?!
5. HAS BECOME A PROMINENT INDIVIDUAL YET TOO CONCEITED TO ATTEND SUCH AN EVENT.
- Ayyy…..!! May ganung level talaga, kabogeraaaa….!!
Syem, sikat noh…!! Ayaw malaman ng mga sosyalera niyang amiga at mga elitistang BFF niya na graduate siya sa isang Baranggay high school….!! Nakyo-kyohoan na sa amoy ng rexona, baby cologne, expensive muk-up na ang gamit kumpara noon eh pulbos lang talo-talo na at hindi na sanay rumamfa sa asfaltadong kalsada, yan malabo pa sa tubig balon na dumalo……
At kung ikaw yung tipo ng sikat na isinasaalang-alang ang iyong kaligatasan sa dami ng banta sa life mo, eh pwedeng hindi ka na nga lang dumalo kesa naman may madamay pang iba.
6. STEER CLEAR OF THEIR EX’S.
- Hallerrrrr………!?! Di maka-move on, ganun?!? Aba’y veket?!?
Susmio naman, kada ika-sampung taon ang selebrasyon ng reunion noh….!! Well, siguro kung “heaven & hell” ang laki ng iyong nadarama para sa taong yun at dumped ka niya noong high school eh, acceptable.
Pero naman…..more-more years na ang nakalifas para di ka maka-move on sa loob ng panahon na iyon..?!? Uber ka naman……tama bang ibuhay mo ang iyong nakaraan magpahangang sa ngayon? Bitter Ocampo o Beatrice Bo, ikaw ba ito?!
7. WITTINGLY TOO SICK TO BARELY GET OFF THE BED.
- May sakit daw eh..?!?
O eh siya, wag ng pilitin at baka mabinat pa….!!!
Igawa na lang ng isang ubod ng laking “get well soon” card at ilagay sa may entrance ng venue para pirmahan ng lahat ng alumni na dadalo at personally i-deliver ito sa balay ng may sakit daw na Alumni para ma-isip niya kung ano ang na-missed niya sa kanyang pag-iinarte…!!
8. ANXIOUS FOR OTHER ALUMNI TO KNOW HIS / HER WHEREABOUT.
- Veket naman?!? Have ka ba ng mga tinatago na wiz mo tipelyang malaman ng mga dati mong kaklase o ka-eskwela…?!? Naging hari o reyna ka vha ng mga hoodlum? O di naman eh member ka ng “KFR” kaya?! Baka naman kasi ikaw mismo eh wiz knowing kung where ang iyong balay? O baka naman di mo feelanga na malaman kung saang exclusive subdivision ka nakatira para maka-iwas kang mahingan ng mga donasyon para sa School?! Feeling ka huh!?! Duhhhh………….!?!
9. INFURIATED OVER IMMODEST ALUMNI.
- Ganun daw yun eh, ayon nga sa mashondiks na kuda ng mga palakang lola……”Galit ang strunggera sa bongaderang kapwa strunggera…!”
Shirley Mc-Claim ang drama……eh may kumesyo ng bongang-bongang pagka-Shirley Mc-claim….ayun, natabunan ang kanyang kaangasan…..ang ending?
Wasang na sa pagka-ramfa sa reunion…….nabokya eh……usugin ba naman…..sige nga?!
10. DEPARTED.
- May ikukuda ka?! Sige, kumuda ka fa, multuhin ka sana…..!!!
O e, ang tanong……..alin ang gagamitin mong alibi sa iyong di pagdalo ng inyong reunion?